2019 TREK MARLIN 5 Review

Sa dinami-dami ng bike na pagpipilian hindi mo na malaman kung anu ang swak sa budget mo. Kasi may iba talaga na bisikleta na hindi maganda ang components. “Well expected mo na”  tipong in the end ay siguradong papalitan mo na rin.  Lalo na yun lang ang kaysa sa iyong bulsa. Sa aking pag-iikot isa ito sa Pinaka Best Bike talaga na Affordable na brand ay ang Trek Marlin5.

Sa mga colorway pa lang ay agaw na attention mo. Ito ay aking nireview at ang colorway nya ay VOLT GREEN/BLACK. Isa sa gusto kong kulay. (Available colorway is Blue, Viper Red, Mattblack, and Volt green) Shape ng frame is parang box na may kanto kanto which is much tougher than the rounded shape na frame kaya solid talaga yung looks nya. Internal Cable na din siya kaya sobrang linis tignan, yung frame din nya ay panalo sa nagrarace or longride kasi kagandahan dito ay double mounting para sa bottle cage. Kaya pwedeng malagyan ng tools or water bottle.

Trek Marlin 5 – Headtube Emblem

Headtube ng frame ay dito makikita ang Shield logo ng Trek na parang kotse ang datingan at alam mo na authentic na palatandaan,

Trek Marlin 5 – Frame Aluminum

Ito din ang Pinaka Entry Aluminum Grade ng Trek ang Silver Alpha Aluminum. Lightweight, stiffer at tough frame talaga.

Trek Marlin 5 – 5 marks

osaddleBontrager Saddle ay comfortable sa pwet mo. kahit tadtad pa daanan mo sasaluhin ka talaga. at sweatproof at waterproof material kaya swabeng swabe madali matuyo agad.

Trek Marlin 5 – the marks

What I love about this Trek Marlin 5 is yung Marlin logo sa rear triangle nya sa bottom part, Isdang napadyak interesting hindi ba? parang pera na may palatandaan 😀

Trek Marlin 5 – saddle

Super comfortable talaga ang Bontrager Saddle kagandahan pa dito ay sweat proof at waterproof talaga kaya kahit sa malubak at maulang byahe hindi ka uurungan nito. Naka quickrealease na din ito na 31.6 seatpost good thing dito ay pwede mong lagyan ng Dropper post itong bike kasi merong abang sa frame na pwede malagyan ng dropper post na gusto nyu! Lupit noh!

the fork

Well expected na ang fork sa entry level bike ay mababa. Pero hindi ka na din talo kahit papaano kasi Sr Suntour XCT na preload coil type na fork. May kabigatan pero kaya na makapagride sa mga trail at longride. Kung Medyo maselan sa mabigat. Pwede mo na din naman upgrade kung gugustuhin mo.

Trek Marlin 5 – crank

 

Trek Marlin 5 – cogs and RD

Dito naman tayo sa components or tinatawag nating Groupset as you can see budget bike sa budget parts. Pero ito na ang latest tourney shimano good for newbies talaga ito ay naka 7speed na. Pero hub nito ay Threaded type lang kaya if gustong magupgrade ng 9 to 11speed kakailanganin mong magpalit ng hub dahil hindi uubra yung cogs mo or tinatawag nating cassette. Naka 3x crank na din siya na Non series. mabigat pero solid at sealed bearing na din, Kaya wag mangamba sa maulang panahon.

Trek Marlin 5 – brakeset

May favorite part is ang brakeset kasi ito ang magbibigay sa akin ng power para macontrol at matipla ang rides ko lalu na sa mga trail part at sa kalsada pa man, ayus dito ay ang Tektro entry level type. Looks nya parang Non series break pero alam mo ba panatag ako dito sa breakset na ito. Almost ilang years ko ginagamit ang Tektro brakes ko at smooth talaga ang breaking power nya. kahit na Single piston lang siya at hindi ka din mangangamba dahil mineral oil siya once nagkaproblema na yung brake pwede mo na ito ipableed sa paborito ninyong bikeshop. About naman sa pads, may nagsabi sa akin na compatible ang pads ng shimano sa Tektro kaya pwede mong palitan once na mapudpod na ito.

Trek Marlin 5 – wheelset

Nakalagay na gulong dito ay Bontrager XR2 29×2.20 at ang rim nito ay Bontrager Connection. Entry type ng rim. Pero panalo sa tibay pag trail. Kung Xc bikes na entry I would say ito ang bagay sayo. Kasi most of the Xc entry bikes hindi pa naka hydraulic at internal cables at may abang pang dropper cable if bandang huli ay gusto nyu hindi na pipihitin pa ang quickrealease. The price ng bike nito ay SRP 22,500 pesos. Not bad hindi ba. Sa Brand na ito na sobrang ganda. Visit your nearest Authorised Trek Dealer sa inyong lugar to learn more about this bike. And Shoutout sa Dans Bikeshop at Trek Philippines for reviewing this bike. sobrang thank you, If you have comments sa reviews ko you may comment down below. Marami salamat sa pagbabasa!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *