padyaknijuan.com

ROTOR 13SPEED PROTOTYPE

Rotor Bike Components ay naglabas ng bagong Groupset for MTB at Road.  Nilabas itong lamang sa Eurobike 2018. Siguro madami na naman mga Sakitin ang maghihintay na mailabas din dito sa pinas. Well hindi natin masabi dahil  posible mailabas din dito kasi ang community ng cycling dito sa atin sa pinas ay unti unting lumalaki na din, mapa road or mtb.  Setup nito ay 1×13 pwede sa lahat ng discipline. kakaiba noh? hehehe well. advance na ito magisip, kasi lahat pwede eh.

photo: rotor bike components

Ang cogs na sukat ay 10-52 at 10-46 for mountain sa road at gravel naman 10-36 / 10-39. Yan ang mga choices na pwede pagpilian.

photo by: BIKE RADAR

Kung titignan mo maninibago ka, kasi more nakikita natin brand ay Shimano or SRAM. Pero kagandahan ay iba ka sa lahat, mas malinis at neat tignan ang Rear Deraileur design nila. Goodnews dito yung Chain mo na 12 speed ay compatible sa 13speed na rd at cogs. Kaya hindi ka mangangamba kung sakali maputulan ka.  Sa tibay naman ROTOR yan. Europe brand almost 1981 pa sila gumgawa ng mga components ng bike. Kaya subok na subok na talaga. Sa price, wala pa silang exact na binigay na presyo. Malalaman natin pag nailaunch na din dito sa pinas yan, maybe  sa Bike expo.  Makita na natin ng personal ito. Hoping na makita natin at masubukan. 

Mailalabas din ng ROTOR PHILIPPINES ito at sigurado magagamit ng ating lodi ARIANA DORMITORIO ang bagong 13speed ng ROTOR. 🙂

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *