POC TECTAL helmet

Lahat naman tayo ay hangad may maganda helmets yung bang goodlook tignan. Kasi maliban sa bisikleta ang tinitingan din ay ang helmet natin. Hindi lang din sa goodlooking na helmet kasama na din dito yung protection naidudulot natin sa ating ulo. Dahil kung wala ka nito at naaksidente ka, hindi mo masasabi na safe ka. Dahil sa kalsada natin at nakapaligid ang mga aksidente.

Kaya mabuting mapagmadyak at doble ingat sa kapaligiran. Madami na din naglalabasang helmets na other brand, meron din ibang generic brands na mas affordable. Importante safe tayo at Gumawa din ang swedish brand. Isa na dito ang POC helmet, isa sa mga premium brand mula ng 2004 pag dating sa bike helmets, knee guards, elbows, armors. Isa sa high end bike helmets nila ay ang TECTAL. A half face helmets, na so cool tignan at pormado.

Pag suot mo nga ito para kana si Danny Mackaskill. hehehe.  Ang special dito sa helmet na ito ay naka pwesto sa part ng EPS ang ARAMID FIBER na siyang nagbabawas ng vibration or impact sa ulo. Mostly ito ay ginagamit sa mga military helmets ng mga sundalo kaya lightweight at durable talaga.

Isa sa model ng military helmet na meron ARAMID FIBER. may combination lang

Ang kagandahan pa sa helmet na ito yung sa posistion nya sa ear part hindi tumatama sa ilalim ng tenga may spacing siya kaya hindi ka maiilang nakasangkal ang tenga mo sa strap.  Okey din siya malagyan ng shades kasi may space pa din siya kahit straight yung dulo ng shades mo or nakabaluktot. Kahit yung wireless conduction bone ko swak na swak.

Maganda din ang ventilation nya kasi superb sa lamig. Yung mga point ng direction ng airflow kaya cool sa ulo.

Isa din napansin ko yung may special gadget siya nakalagay sa loob ng helmet, tawag nila ay RECCO. If nawala ka madali malocate dahil sa helmet mo at yung POLYGIENE strap, so ODOR FREE siya kahit sobrang basang basa kana ng pawis at tubig.  Napaka High tech ng helmet na ito. Hindi lang basta Helmet, kaya pala tinawag siyang premium helmet. SRP Price nya is Php 12,000

Panuorin po nyu hands on ng POC TECTAL

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *