Mga Bagay na Kailangang Daladala Mo sa Iyong Paglalakbay.

Ano ba ang importanteng bagay na dapat natin laging dinadala sa tuwing tayo ay nagbyabyahe, lalo na kung malalayo lugar at liblib na kagubatan ang ating pupuntahan. Dapat handa tayo lalo na kung kinakailangan, minsan napapalayo ka sa mga kasama mo ang mahirap pa nun ay isa lang may dala gamit sa inyo. Hindi dapat tayo aasa sa kasama natin. Kasi in case of emergency handa tayo kung magka trouble man ang ating bisikleta at ang ating sarili.

Ito ang mga needs natin dalhin, mga bagay na magagamit natin.

 

Helmet

Laging tatandaan gumamit lagi ng helmet kasi isa ito sa unang una bagay na magagamit nating protection sa ating mahal na ulo.

Water Bottle

Importante na lagi tayong may tubig na dala. Kasi ito nagbibigay sa atin ng lakas para hindi tayo madehydrate. Wag din tipirin ang tubig na kala mo na tatagal ka na hindi iinom nito. Kasi naranasan ko na din na tinipid ko ang tubig  as in matagal akong hindi uminom masama pala yun paguwi ko suka ako ng suka na dehydrate na pala ako. Kaya importanteng uminom ng tubig kahit papaano.

Sunglass

Kailangan natin ito para iwas alikabok sa mata at sa sinag ng araw.

Face cover

Sa akin isa din ito ay importante. Kasi ang iba hindi gumagamit nito. Depende sa mga siklista. Kasi sa akin ito ang magiging pang punas pawis mo sa muka lalo na kung tagaktak ka na ng pawis bukod sa bawas singhot ng alikabok sa kalsada.

Patch

 

Tire Lever

Ito ang kailangan natin sa ating bisikleta dahil ito din lagi ang madalas ginagamit lalo na kung naflatan ka at nasira ang iyong gulong. kinakailangan ang tire lever para madaling madukot ang inyong gulong para alisin ang interior na iyong gulong at patchkit kung san naman itatapal sa nabutas na bahagi ng iyong interior.

Pump

Lagi din dapat ito dala kasi minsan kakailanganin mo magbawas ng gulong or magdagdag ng gul0ng depende sa iyong dadaanan at magagamit mo talaga ito pagkinakailangan.

Allen Wrech

Minsan hindi mo inaasahan nagsisiluwagan ang mga parte madalas may movement tulad ng stem at part sa handlebar.  Lagi itong dadalhin kahit na may kabigatan, isa pa din ito sa mga mahalaga bagay.

Rain cover

Sinama ko siya sa mga importante bagay kasi hindi mo masasabi ang panahon, bigla bigla na lang bubuhos ang ulan kailangang maproteksyonan ang loob ng iyong bag nandun ang mga gadget na iyong kailangan. Kung wala ka nito madaling masisira ang mga bagay sa loob ng iyong bag.

Headlight and Tail light

Laging tatandaan magdala nito hindi mo aasahan ang oras ng iyong pagbalik sa inyong dadaanan. Mahirap abutan ng gabi ng walang liwanag man sa iyong bisikleta. Ito kasi ang magiging gabay at reflector natin upang alam ng mga motorista na may bisikleta dadaan at alam mo din kung san ang kasama mo.

Chain Cutter

Isa pa din sa laging nagkakaroon ng aberya sa mga byahe na dapat laging meron ay ang Chain Cutter. Napuputulan lagi tayo ng kadena lalo na kung may kalumaan na at nababatak na ito lalo na kung panay ahon ang iyong inaakyat. Kailangan ito kasama ng iyong missing link para sa pagdudugtungan ng nasirang kadena.

gloves

Gloves – Protection na iyong kailangan para maganda din kapit ng iyong kamay sa handgrip lalo na kung pasmahin ang iyong kamay tulad ko. Ang isang bagay na maganda dito kung sumemplang ka ito ang sasalo sa palad mo at mga daliri mo sa kuko lesser ang impact o tama ng iyong mga kamay pag gumagamit ka nito at bawas kalyo na din..

Pain Killer

Bagay na lubos na kinakailangan lalu na kung nagkaroon man sa sarili mo o kasama mo ng pananakit ng tuhod at mga muscle. in short PULIKAT. Hindi nawawala yan lalo na kung hindi ka sanay sa mga malalayo lugar o nahinto ka na hindi na nababatak ang mga binti mo kinakailangan para marelieve ang sakit na nararamdaman.

Mobile Phone

In case of Emergency magagamit mo ito. Upang matawagan mo ang mga kasama mo kung naghiwalay hiwalay man kayo. at para malocate mo din san ang destinasyon mo gamit ang GPS mo at sympre makapagkuha ng litrato sa mga lugar na pwede mo puntahan.

Wallet

Bagay na hindi pwedeng makalimutan. Kasi nandito ang budget mo sa kakainin mo pag kinakailangan. Kung sakali man masira gulong mo agad agad ka makakabili kung may malapit man bikeshop sa dinadaanan nyo.

Bag at relo

Bagay na dagdag protection din sa iyong likuran. Aanhin mo ang init kung safe ka naman hindi madali ang spinal mo. Kaya sa akin lagi ako may dalang backpack at relos para alam mo oras ng byahe nyo.

Lagi din tatandaan lagi check ang iyong bisikleta bago ka lumarga, laging titingnan ko mga bolt kung mahigpit ba ang pagkakapasok pati kadena at gulong kung maayos ba condition ng mga ito. Kaya maganda handa ka at may alam. Wag aasa sa kasama. Paano kung gulong mo 26er tapos kasama mo naka 29er. wala din hindi mo magagamit kaya maganda meron ka sarili gamit sa iyong bag.

At ang pinaka importante sa lahat ay magdasal bago umalis, kasi ito ang magiging sandata mo at protection mo sa inyong byahe. Sana nakatulong ako sa inyo sa mga tips na importante pag ikaw ay nagbyabyahe. Maraming salamat sa pagbabasa.

Kung may katanungan kayo at maidadagdag na suggestion pwede po kayo magcomment sa iba iba. Thank you.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *