Gaano ba dapat kalayo ang distansya ng sasakyan sa bisikleta?

Dumadami ng dumadami ang mga siklista dito sa atin bansa. Dahil sa sobrang traffic ng kalsada ng ating dinadaan. Dahil sa tindi ng dami ng sasakyan, Kaya madalas mga commuter ay nahihirapan makasakay at nagsisiksikan na sa mga Bus at train kaya yung iba ay pinipili na magbisikleta na lamang. Kadalasang nagiging problema naman natin mga siklista ay mga sasakyan na eencounter natin. May iba mapagbigay sa siklista, May iba naman halos barumbado magmaneho na tipong pipintaan ka pa. Sa atin dito sa pilipinas dumadami na din ang mga naaksidente sa kalsada.Na nakakalungkot pakingan dahil sa daan natin na para tayo nagpapatintero. Ibang kalsada dito ay wala naman bikelanes para sa daanan para sa mga siklista. Mga aksidente ay Minsan kasalanan ng sasakyan, Minsan kasalanan ng siklista. depende sa situasyon.

Ayon sa Cycling Uk. ang tamang distansya dapat kapag nagoovertake ang sasakyan sa bisikleta ay dapat ang haba nya ay nasa 1.5 metro ang layo upang mas madali makaiwas sa siklistang dumadaan. Minsan kasi hindi natin naiiwasang umiwas sa lubak, baha at sa drainage na possible ika accident natin. Kahit yung biglaang bukas ng pintuanng sasakyan kaya mabuti ang distansya sa sasakyan ay 1.5 ang metro.  Isa din dapat may distansya tayo sa gilid ng kalsada. may clearance pa tayo ng dapat 0.75metro upang iwas tama sa pedal, Maari kasi itong ikasabit mo habang ikaw ay napadyak. Kailangan din natin ito upang pag may hindi inaasahang may sasakyan sa gilid ay mas makaka kilos ka pa sa gilid mo.

Ito lang kasi ang tanging sandata natin sa mga motorista dahil tayo ay wala naman kalaban laban kung tayo ay matamaan ng mga sasakyan at motor. Kailangan din natin may presents of mind tayo sa kalye. Na buong mata mo ay nakaikot talaga para mas lalu ka maging alerto sa maaring mangyari.

Magdasal din tayo sa diyos ama na siya laging nag gagabay sa atin sa atin paglalakbay at mga byahe. Isa lang buhay. Dapat din natin ito ingatan. 🙂 Ingat sa lahat ng kapwa ko siklista.

 

1 thought on “Gaano ba dapat kalayo ang distansya ng sasakyan sa bisikleta?”

  1. Tama yun, at isa pa lagi dapat tayong magdasal bago umalis/umuwe ng bahay. Tanging ang Diyos lamang ang makakapagingat sa atin ng lubusan. More Power, God Bless.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *