Bakit MTB ang ginagamit sa kalsada karamihan sa ating mga pinoy?

Isa  sa kadahilanan ay bakit mtb bikes ang lagi ginagamit ng mga pinoy hindi ang road bike. Samantala ang MTB ay desenyo para lamang sa bundok at malubak na daan dahil sa ito ay mas comfortable kaysa sa ROAD BIKE.

1:Unang una kasi ito ay mas mura kumpara mo sa ROAD BIKE. Marami naglalabasang mountainbike na swak sa budget ng mga pinoy alloy man o bakal. Sa halagang 5k to 9k may mountainbike kana.

2:Ikalawa di hamak mas madali gamitin ang mountainbike kumpara mo sa roadbike. Dahilan ay tulad na lamang sa brake parts nya ang pwesto mo lang sa magkabilaang kamay mapipindot mo na ang brakes ng MTB kung sa Road bike naman ay di hamak na yuyuko ka pa at nasa ilalim ang brakes kasama ng shifting ng gears mo. at mas makipot o maiksi ang handlebar ng road bike compare sa road bike.

3:ikatlo di hamak mas relax gamitin ang MTB kaysa sa roadbike. Isa din kasi kadahilanan ay mas comfortable ang posistion ng mountainbike kumpara mo sa roadbike dahilan nga ay sa geometry at desenyo ng road bike sa mountainbike.

4: ika apat Ang brakes ng mountainbike ay disc brake kaya mas malakas ang braking power compare sa non disc or caliper type. Hindi nga naman mas mabilis ang mountainbike pagdating sa paspasan pero mas makapit naman ito kumpara sa mga caliper type ng roadbike na ang brakes ay nasa rim. Kaya itong lately ay naglalabasan na din ang mga disc type ng roadbike kasi inaapply na din nila yung tulad ng Mountainbike. Sympre kung ang Roadbike na caliper type ay mas mahal. Hindi hamak na mas may kamahalan ang Roadbike na naka disc.

5:Ika anim ang ating kalsada ay hindi hamak na maganda. Ibang parte sa atin ay mas malubak at bahain. Kung road bike ang iyong gamit mahihirapan ka makadaan sa mga lubak na kalsada. Di tulad ng Mountainbike eh kahit lubak pa ito ay kaya mo daanan dahil sasaluhin lamang ito ng Suspension ng bisikleta mo.

6: Ika anim ay Maganda din kasi sa MTB pagdating sa daan ay pwede mo lagyan ng carrier o rack ito. mostly sa mga mountainbikes ay may abang na carrier. Kaya kahit paang araw araw mo ay pwede mo itong ilagay sa carrier mo yung bag mo na hindi mabigat sa likuran.

 

7: ika pito ang mga pinoy ay maparaan ang gusto nila ay isang gamit lamat para sa lahat parang shampoo yan 3 in 1 may shampoo at conditioner na. Pwede pang pasok, pamalengke, pang longride at higit sa lahat makatipid.

marami salamat po sa pagbabasa.

kung may commento po kayo maari po kayo magbigay ng commento sa aking naisulat. marami salamat

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *