Ang website na ito ay para sa mahihilig sa bisikleta. Sana ang mga kaalamang ibabahagi ko ay makapagbigay lugod sa inyong lahat.
John Uy
Blogger

Ako ay isang siklista na bike to work mahigit 4yrs na din. Byahe ko mula Las PiƱas hangang Makati. Umaabot siguro ng 27-30 km balikan.

Nagstart si padyak ni juan ito lamang 2018. Nakuha ko si padyak ni juan hinahalitulad ko sa sarili at sa iba pa siklistang pinoy. Dahil sa araw na araw ng aking nalalakabay at napupuntahan. Nakaisip ako na pwede natin maishare sa bawat siklista. Kasi sa kapaligiran natin madami tayong nakikita hindi inaasahan nangyayari at nakakatuwa. Pwede din babala. Kaya gumawa ako ng isang blog at page para sa lahat ng siklista na nakakaunawa at nakakaintindi sa mga araw araw na nangyayari sa buhay natin.

Isa din dahilan kaya gumawa ako ng blog page na ito dahil para sa akin mahal na ama. Na naging isang inspirasyon sakin na kahit hindi na kaya pa makapagpadyak tulad ng aking nagagawa, kahit na nagdidialysis na siya nakikita ko sa kanaya na meron pa ding pagasa maging masaya at mabuhay.

Yun din nagpapalakas ng aking loob kaya lalu akong nagbike at gumawa ng page na ito. Para lahat tayo at mas maging healthy at mabawasan ang pollution. Hangad ko lamang ay mapasaya kayo at mabigyan ng impormasyon sa bagay bagay lalu na sa pinoy bike page na ito.

Salamat po sa suporta.