2020 Trek Procaliber 8

Madami at madami tayo hinahanap sa isang bisikleta na pang kalahatan na. Yung tipong hindi na itatapon pati pyesa na sa murang halaga na branded pa. Well meron nga isang brand na budget friendly na swak sa budget natin. Ito ang Trek X-Caliber8 year 2020 model. Kung unang tingin ay parang Marlin may similarity sila sa frame pero pagtinitigan mo mabuti meron din silang pagkakaiba. Lalu na ang Grade ng frame ang X-caliber ay naka ALPHA GOLD alloy siya ang inbetween sa grade ng aluminum. Tulad na lamang nitong Headtube ito ay naka tapered na frame na integrated headset. Kaya pwede mo magamit na mga bago labas na tapered fork. Ang naka salpak na fork sa X-Caliber8 ay TK-30 Rockshox Air type. Serviceable na ito at mas lightweight na din. (pero huwag ikumpara sa RS reba)  Ang cassette/Cogs naman nya ay also SRAM Eagle (PG-1230) NX Eagle cassette since wala naman lower model pa na cassette si SRAM. Sukat ng cassette is 11-50T  Kung cocompare mo ito sa previous model ng X-CALIBER 8 di hamak na mas maganda na ito kasi internal cabling na siya kaysa sa previous model “2019” na model. Kaso hindi na siya kasing sexy ng 2019 model dahil sa curve ng headtube papuntang toptube. This is the latest Sram Entry level na crankset nya ito ang SX mas cheaper pa kaysa kay NX model kaya tiyak mga upgraditis ay nangangarap magka 12speed at magka SRAM ay papatok dito.Ang chainring nito ay 30t ang Alam ko nag out na ito sa market today price range is 12-15k ang groupset ng SRAM SX. Im not sure kung meron na silang threaded type nito since nakikita ko nirelease ay pressfit ang bottom bracket nya. Since nagpapasukan na ang aggresive XC ngayun. meron na mga abang ang mga frames pwede mo na din lagyan ng dropper post ang iyong bike. Ang sukat ng dropper post nya ay 31.6 at meron pa kayo nakikita isa pang butas if gusto nyu gawin 2x ang setup ng crank mo meron siya abang. Ang stock nito ay 1x   Nagkakahalaga sa market today itong TREK X-CALIBER 8 PHP59,500 Check nyu na lang sa mga authorized dealer ng Trek.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *