2019 Specialized S-works Shiv Disc LTD

Kahapon ni launch sa Manila Polo Club ng Specialized Philippines ang Latest na 2019 model ng Specialized Shiv Disc. Ito ay 500 bikes around the world.  Ilalabas pa ito sa March 2019. Kaya may chance ka talagang magkaroon nito habang may available pa lalo na sa mga Triathlete cyclist. Hindi lang ako sure kung ilan ang ilalabas dito sa Pilipinas nitong limited S-works Shiv Disc

Sa unang tingin weird ang looks pero niredesign ang  headtube nya, kung iyong mapapansin dahil mas aerodynamic pa ito compared sa previous Shiv model.

Nasa center upper part na din ang Rest Handlebar dahil design siya para mafold. Mas madali itong i-transport kasi mostly ito ang mahabang part na nakaharang lalo na pag nilalagay ito sa Bike bag. Nakikita din natin ang mga Dual crown mostly sa mga Downhill bikes. Well meron na din dito sa Tribike na S-Works Shiv disc naka dualcrown din siya diretcho sa axle nya.

Ang maganda pa dito binago na din nila ang “FuelCells” tawag ng specialized sa Storage para sa Roadbike. Hindi lang isa kundi dalawang part pa sa Rear Triangle naka mount ang isa din FuelCell at mas malaki pa 1.5L na ang din storage nya sa likuran, Yung front FuelCell naman nya ay nakamount sa lower triangle dito nakalagay ang Bladder direct pa taas bandang cockpit area para mas Aerodynamic para maganda ang flow ng drag ng air.

Ang cockpit nya pwede maadjust hangang 115mm. Ang aero bars ay standard 22.2mm extensions, Kaya pwede mo ma customise ang gusto mo fit para sa geometry gusto mo.

Ang S-Works Shiv Disc na ito ay Design lamang para sa Shimano Di2. Kaya hindi rin ito compatible if gusto nyo ng mechanical drivetrains. This Shiv is the 1st Shiv na naka disc.  Kakaiba pa dito yung sa likod ng Disc nya ay naka mount sa loob ng frame.  Para mas more Aero dynamic talaga siya pag dating sa rektahan.

Kaya itong bike na ito ay talagang nadevelope nila na more Aerodyanamic at nasubukan nila ito sa Kona Ironman course.

Sir King Pandi ang the new tarmac

The price? ayy sigurado malulula ka dahil isang kotse na talaga ang halaga nito. Dahil nga ito ay limited lamang ng 500 bikes lamang. Sa ngayun wala pa price dito sa atin sa pinas pero nagkakahalaga ito ng £10,999 / $14,000. so kung convert mo sa pesos nagkakahalaga ito ng P728,000.00 WOW!! sobra mahal nakakailang i ride ito dahil sobrang expensive. Pero worth it naman din kasi dahil sa daming features at benifits nito lalu na sa mga triathletes.

Thank you for reading at thank you din kay sir King Pandi for sharing his photos nung sa event siya.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *